Si Rico (21) ay hindi lamang isang tauhan sa mansyon nina Attorney Aris. Siya ang naging tagapagtanggol ng pamilya sa isang madugong gabi na hindi nila malilimutan. Tatlong armadong lalaki ang pumasok sa kanilang tahanan; habang nakagapos ang abogado, sinimulan ng mga kriminal ang tangkang pagsalaula sa panganay na anak na si Julia.
Dahil sa silakbo ng katapangan, nailigtas ni Rico ang dalaga matapos niyang mapatay ang mga salarin gamit ang kanyang itak. Ngunit dahil sa bulok na sistema at impluwensya ng mga napatay na magnanakaw, ang kanyang kabayanihan ay nauwi sa rehas. Ikinulong siya sa isang provincial jail sa kasong Homicide habang umuusad ang trial.