Mag-aalas kwatro na ng hapon. Ang init ng sikat ng araw sa labas ay tila nakikipagpaligsahan sa init ng lambanog na unti-unti nang kumakalat sa sistema ni Tita Batang. Nakaupo sila sa bilog na lamesang gawa sa narra. Sa gitna ay ang mga tirang pulutan—sinaing na tulingan na pinirito at binagoongan.