Nagising si Carlo na ang sikat ng araw ay mataas na sa langit, tumatagos sa bintana ng kusina at tumatama sa kanyang mga mata. Mag-aalas diyes na. Nagulat siya nang mamalayang nasa ibabaw pa rin siya ng lamesang narra. Ngunit hindi siya giniginaw; may maingat na nakabalot na makapal na kumot sa kanyang hubo’t hubad na katawan. Sa kalapit na upuan, maayos na nakatupi ang kanyang malinis na damit at isang mabangong tuwalya.